Kahit na tinitira o binabanatan ng masasakit na salita, pintas, at panghuhusga ang kaniyang ex-girlfriend na si Bea Alonzo at tila pumapabor sa panig niya, kapakanan pa rin nito ang iniisip ni Dominic Roque, matapos niyang pakiusapan ang bashers na huwag itong i-bash dahil sa kanilang hiwalayan.

Sa kaniyang Facebook reels ay ibinahagi ni Dominic ang ilang clips nila ni Bea together, noong Oktubre 21.

"Bea's a beautiful person inside n out...🤍 no hate/bashing/negative things please...🙏🏼" anang Dominic.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Pinuputakti ng bashers si Bea dahil nakaka-ilang failed relationship na raw siya, at baka sa kaniya raw ang may problema.

Nadagdagan pa ito ng mag-cryptic post ang kapatid ni Dom na si Lhean Roque ng isang larawan kung saan makikita ang isang wolf o lobong may nakapatong na sheep o tupa sa kaniya. Sa interpretasyon ng mga netizen, ang ibig sabihin daw nito ay "Wolf in sheep's clothing."

Ang ibig sabihin ng idyomatikong pahayag na ito, isang taong nagtatago sa imaheng maamo o mabait subalit masama o mabangis pala sa totoo.

Umani naman ang pagtatanggol ni Dominic kay Bea ng positibong reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Awww, nkkainlove k nman papa Dom, despite trials and struggles, u continue to love. Keeping our fingers crossed for your togetherness. Best of luck , hearts' healing , forgiveness and God bless to you both."

"Highest respect to you both.I hope you two will work things out,you both deserved to be happy!xoxo"

"Teary eyed while watching this video......keep on praying to both of you Dominic Roque and Bea Alonzo true love exist."

"Gentleman, kahit na naghiwalay na sila, wala pa ring sinasabing masama. Good boy."

Samantala, usap-usapan naman ang expose ni Cristy Fermin sa umano'y natuklasang condo unit na tinitirhan ni Dominic, na nakapangalan daw sa isang politiko.

MAKI-BALITA: Natuklasan ni Bea: Dominic, nakatira sa condo na nakapangalan sa politiko?