Patuloy pa ring nakaaapekto ang northeast monsoon o amihan at easterlies sa malaking bahagi ng bansa, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Huwebes, Pebrero 8.

Sa tala ng PAGASA kaninang 4:00 ng madaling araw, malaki ang tsansang makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms ang Davao Region, Caraga, at Southern Leyte dulot ng easterlies o mainit na hanging hanging nagmumula sa karagatang Pasipiko.

Malaki naman ang tsansang magdadala ang hanging amihan ng medyo maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may pulo-pulong mahihinang pag-ulan sa Batanes at Babuyan Islands.

Samantala, maaaring makaranas ng medyo maulap hanggang sa maulap na may kasamang isolated rainshowers o thunderstorms ang Metro Manila at mga natitirang bahagi ng bansa dahil sa easterlies o sa localized thunderstorms.

Tinatayang 66 mula sa 183 senatorial aspirants ang maisasama sa balota- Comelec

Sa kasalakuyan ay wala namang binabantayan ang PAGASA na alinmang bagyo o low pressure area (LPA) sa loob o labas ng Philippine area of responsibility (PAR).