Matapos ang kumpirmasyon mula sa Asia's King of Talk Boy Abunda, sa kaniyang programang "Fast Talk with Boy Abunda" sa Tuesday episode nito, Pebrero 6, na hiwalay na talaga ang engaged couple na sina Bea Alonzo at Dominic Roque, tinatagurian ngayong "Philippine's Ultimate Showbiz Insider" si Ogie Diaz.

Kasi ba naman, halos lahat ng mga nauna niyang natsikang showbiz couple na naghiwalay na ay talagang totoo pala: magmula kina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla o KathNiel, Kim Chiu at Xian Lim o KimXi, mag-asawang Jericho Rosales at Kim Jones, at panghuli nga ay sina Bea Alonzo at Dominic Roque.

Sa kaniyang entertainment vlog na "Ogie Diaz Showbiz Update," nasabi ni Ogie na ayon nga sa kaniyang source ay hiwalay na nga raw ang BeaDom.

At dahil lahat daw ng nababalita ni Ogie ay totoo, may ilan pang tumatawag sa kaniya ngayon na "Patron Saint of Chismis."

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Sa kaniyang My Story sa Facebook ay nagkomento naman dito si Ogie.

Aniya, "Salamat po sa mga 'sumasamba' sa inyong lingkod. Hahaha! Wag n'yo po akong gawing patron ng mga marites."

"Basta ang importante, tama po ang mga impormasyong inilalatag namin sa Ogie Diaz Showbiz Update Youtube Channel habang wala kaming pakialam sa bashers."

"Nakakalungkot lang din yung break up nina Dominic at Bea, no? #Sadboi este #SadGay ako. Wa echos, gusto ko pa naman sila," aniya.