Tila tapos na raw ang mga panahon ng pagmumukmok ni Kapamilya star Daniel Padilla matapos ang hiwalayan nila ng ex-jowa niyang si Kathryn Bernardo.

Sa latest episode kasi ng “Cristy Ferminute” nitong Miyerkules, Pebrero 7, sinabi ni showbiz columnist Cristy Fermin na masayang-masaya raw sila sa nalamang senaryo ni Daniel sa Siargao kasama ang kapatid na si Magui Padilla.

“‘Yong pagbaba pa lang niya ng eroplano, pinagkaguluhan na siya. Nagpunta siya sa bar. Talagang ganoon din ang pagkakagulo sa kaniya. Nag-swimming siya. Naku, talagang pinagkaguluhan pa rin siya,” saad ni Cristy.

“Dagdag ‘yon, e. Dagdag na moral support para sa nanghihina niyang paniniwala sa kaniyang sarili. I’m sure noong gabing ’yon, nakatulog nang mahimbing si Daniel. Kasi isang proof ‘yon, e. Barometro ‘yong nakita niya,” aniya.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Dugtong pa ng showbiz columnist: “Ang akala niya kasi, puro kamping Kathryn na lang ang lahat. ‘Yon pala, handa rin naman pala siyang tanggapin nang dalawang kamay ng ating mga kababayan.”

Sa palagay naman ng co-host na si Romel Chika, ang mga tiyuhin daw ni Daniel ang dahilan kung bakit nagdesisyon ang huli na pumunta sa isla para doon umano palipasin ang lungkot.

“Hindi [porket] ngayon at nawala ang iyong pag-ibig, magmumukmok ka na sa isang sulok at maghihintay ka na lang kung anong darating sa buhay mo. Mali ‘yon. Ang pagkalaban [paraan] dyan [ay] paghakbang pasulong,” pahayag pa ni Cristy.

May mga netizen ding nakapansin na tila hiyang daw kay Daniel ang breakup dahil lalo raw itong sumarap.

MAKI-BALITA: Hiyang sa break-up? Daniel Padilla mas sumarap daw

Samantala, matatandaang nauna nang naiulat ang tila pagpapahayag ni Kathryn ng pagmo-move on sa natuldukang relasyon nila ni Daniel. 

MAKI-BALITA: Kathryn Bernardo: ‘No looking back, only moving forward’