Anim na naiulat na nasawi at 46 pa ang nawawala matapos gumuho ang bahagi ng bundok sa Barangay Masara, Maco, Davao de Oro nitong Martes ng gabi.

Ito ay batay sa ulat ng Armed Forces of the Philippines (AFP)-Eastern Mindanao Command na inilabas ng spokesperson nito na si Col. Rosa Ma. Cristina Rosete-Manuel nitong Huwebes.

Bukod sa anim na binawian ng buhay, 31 ang nailigtas sa patuloy na search and rescue operations ng pamahalaan sa lugar.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Pansamantalang nasa evacuation center ang 758 pamilya na apektado ng landslide.

Nauna nang kinumpirma ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) na dalawang bus na susundo sana sa mga tauhan ng Apex Mining company na nagsasagawa ng mining operations sa Davao de Oro (dating Compostela Valley) ang natabunan sa pagguho ng bundok.

Nawawala pa rin ang 41 sa mga tauhan ng naturang mining company dahil na rin sa insidente, ayon pa sa AFP-EMC.