Usap-usapan ang cryptic post sa Threads ng road manager ni Bea Alonzo na si Nina Ferrer, na shinare naman ng make-up artist na si Ting Duque.

Unang nag-post ang road manager ni Bea na si Nina patungkol sa isang "manipulative sad boi."

"Any guy who'll try to convince someone that they're the victim of the situation. They'll make you believe that you're in the wrong and that you're the one who should be feeling guilty. Toying with your mind, they're seriously just bad news," aniya sa kaniyang Threads account.

Photo courtesy: Screenshot from Nina Ferrer (Threads)

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ibinahagi naman ito ni Duque at kinomentuhan, "They should be stopped."

Photo courtesy: Screenshot from Ting Duque (Threads)

Bagama't walang tinukoy kung para kanino ito o kung sino si "sad boi," naikonekta naman ito ng mga netizen sa isyung hiwalay na sina Bea Alonzo at Dominic Roque kaya wala nang kasalang magaganap.

Matatandaang sinabi ni Ogie Diaz sa kaniyang entertainment vlog na "Ogie Diaz Showbiz Update" na ayon sa kaniyang source, talagang hiwalay na raw ang dalawa. Ang Japan trip ng dalawa na mapapanood sa vlog ni Bea ay ang huling pagsasama na raw ng dalawa.

MAKI-BALITA: ‘Napakatindi ng tensyon:’ Kasalang Bea-Dominic, ‘di raw matutuloy?

Sa kabila ng lahat ng ito ay wala pang pahayag, pagdedeny, o kumpirmasyon ang kampo nina Bea at Dominic sa lahat ng mga isyung ipinupukol sa kanilang relasyon.