Naging emosyunal si “It’s Showtime” host Anne Curtis matapos magbigay ng reaksiyon si “Asia’s Songbird” Regine Velesquez sa kaniyang pagkanta.

Sa X post ni Anne nitong Martes, Pebrero 6, tila hindi siya makapaniwala sa sinabi ni Regine tungkol sa boses niya sa isang episode ng “Magandang Buhay.”

“Wait lang madam @reginevalcasid 🥹 Naiiyak ako. Thank you so much. Nakahelp din talaga ang voice lessons ko with miss Kitchie Molina. 🥹 thank you for your kind words,” saad ni Anne.

Sa ni-reshare kasing video clip ni Anne mula sa isang episode ng nasabing talk show, binanggit ni Regine na nasa tono na raw ang kaniyang pagkanta.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

“Tingnan mo si Anne, ‘di ba dati si Anne ‘yong tawang-tawa lang tayo. Bakit tayo natatawa sa kaniya? Kasi wala siya sa tono, e,” pahayag ni Regine.

“Pero actually ngayon, nasa tono na siya, e. Actually, gumaling na nga siya, e. Kasi pinagpursigihan niya. And she actually loves it, she likes it,” aniya.

https://twitter.com/annecurtissmith/status/1754694861402591455

Umani naman ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang post na ito ni Anne. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“Mapepressure ka na nyan.😂😂😂”

“Yes po ms @annecurtissmith galing nyo po kumanta promise.”

“love you!!! nasa tono man o wala, papanoorin at pupuntahan ka pa rin ng mga tao. relevance!!!!!!!”

“Nahahasa yan talaga kapag araw2 ka kumakanta”

“Gawa ka na po ulit new album!!!!”

“I go for Regine x Anne collab on ASAP!”

“ohh may pag asa pa tayo😂”

“Huyyyy totoo naman po ito 😻”

“Proud of you Anita!!!! Saksi ako sa growth mo”

“o, coming from THE @reginevalcasid na yan! Meron naman kasi talaga...kailangan lang ilagay sa tamang direksyon. Keep on singing Annita!”