Naranasan niyo na bang umasa pero alam mo namang wala kang pag-asa? Umaasa ka pa rin kahit na na-reject ka na at kahit alam mong may gusto siyang iba.

Narito ang liham ni "Champy" para sa kaniyang minamahal na si "ALB."

Hi, ALB!

Kumusta ka? Alam mo naman na gusto kita at hindi ko maitatanggi iyon. Sa kabila ng mga pag-uusap natin noong nakaraang December hindi pa rin ako makapaniwala sa sarili ko na umaasa pa rin sayo kahit alam kong wala akong pag-asa, kahit alam kong may gusto kang iba. 

Sa bawat araw ng aking buhay, ikaw ang sumasagi sa aking isipan bigla na lang minsan bumabalik yung ating mga pinag-usapan at bigla na lamang akong ngumingiti ng dahil sa mga 'yon. Napakasayang balikan 'yung ating mga landian pero hindi ko na maibabalik pa 'yon dahil sabi mo nga tayo'y hanggang magkaibigan lamang.

Alam kong hindi ka rin handang mag-commit pero ako nandito pa rin nakasuporta sayo kahit na na-reject mo na. Alam kong wala na talaga, alam kong mahirap at masakit umasa pero ako'y hindi sumusuko at naghihintay ng pag-asa mula sayo.

Umaasa,

Champy

TORPE KA BA? Nahihiya ka bang sumulat kay crush kaya hanggang parinig ka na lang? Or gusto mong sumulat para sa iyong minamahal? Well, we got you! Pwede kang mag-send sa amin ng online LIHAM mo para sa iyong crushieee at iyong minamahal! 

Mag-email ka lang sa [email protected]! Baka malay mo mapili namin ang iyong entry.

Balikan ang ibang Liham:

Entry #1: https://balita.net.ph/2024/02/01/liham-para-sa-aking-minamahal-mayroon-akong-ikaw/" aria-label="“Liham para sa Aking Minamahal: ‘Mayroon akong ikaw’” (Edit)">Liham para sa Aking Minamahal: ‘Mayroon akong ikaw’

Entry #2: https://balita.net.ph/2024/02/02/liham-para-sa-aking-minamahal-kikilalanin-kita-sa-ayaw-at-sa-gusto-mo/" aria-label="“Liham para sa Aking Minamahal: ‘Kikilalanin kita sa ayaw at sa gusto mo’” (Edit)">Liham para sa Aking Minamahal: ‘Kikilalanin kita sa ayaw at sa gusto mo’