Hot topic sa bagong episode ng "Ogie Diaz Showbiz Update" ang pagkakaugnay ni Kapamilya actress-vlogger Ivana Alawi kay Bacolod City Mayor Albee Benitez.

Nagsimula daw ito sa isang tsikang naispatan ang alkalde ng Bacolod na nasa Japan kasama ang isang sikat na sexy actress.

Ayon naman sa artikulo ng PEP, panay ngiti at iling lang daw ang isinagot ng alkalde nang maurirat tungkol dito.

Si Benitez ay may-ari ng Brightlight Productions na nag-produce ng shows gaya ng "Tropang LOL," "Sunday Noontime Live," at iba pa.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Itinanggi naman ng misis ni Mayor Albee na si Nikki Benitez na bagama't hindi na sila maituturing na couple ay nagsasama pa rin sila sa iisang bubong ng asawa, at wala pa silang napagkasunduang separaton o annulment.

Ang lumulutang daw na pangalan ay si Ivana Alawi.

Matatandaang nasabi na ni Ivana na may non-showbiz boyfriend siya, subalit hindi na siya nagbigay pa ng anumang detalye kaugnay nito.

MAKI-BALITA: Tapos na ang pila: Puso ni Ivana, happy na sa non-showbiz jowa

Sey ni Ogie, makabubuti raw na sagutin ito ni Ivana. Pati raw sa kanila ay may nakarating na bukod sa Japan, naispatan din ang dalawa na naglagalag sa Baguio, at si Ivana pa mismo ay nagtungo pa raw ng Bacolod.

"Mahirap namang husgahan natin si Ivana, so dapat si Ivana rin ang sumagot niyan, kung paano niya lilinawin 'yan, ano... kung siya nga 'yong tinutukoy. Kung hindi naman siya, please disregard previous message," hirit pa ni Ogie.

Sana raw, hindi ito totoo dahil maganda naman daw ang income at career ngayon ng sexy actress kaya sa palagay ni Ogie ay walang dahilan para sumuot ito sa ganitong sitwasyon.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Iavana kaugnay ng isyung ito. Bukas ang Balita sa kaniyang panig.