Humirit daw ng request ang aktor na si Gerald Anderson sa jowa niyang si Julia Barretto nang ipakilala ang huli bilang Tanduay calendar girl para sa taong 2024.

MAKI-BALITA: Ka-level ni Bea, Kylie: Julia Barretto, bagong Tanduay Calendar Girl 2024

Sa latest episode kasi ng “Magandang Buhay” nitong Martes, Pebrero 6, inusisa siya ni “Asia’s Songbird” Regine Velasquez tungkol sa bagay na ito.

“He’s always very supportive as long as komportable ako sa ginagawa ko. Feeling niya, masaya naman ako sa ginagawa ko,” saad ni Julia.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

“I think ang pinaka-request niya lang is ‘yong tastefully, gracefully siyang gagawin. The same request from my family: my siblings, si Mommy,” aniya.

Ayon naman kay Julia sa usapin naman ng paghahanda sa photoshoot: “Ang kagandahan lang ang itinuro sa akin when I was much younger pa. They always say, ‘When you have to prepare for something, you don’t start preparing just for one thing.’ They always say, ‘Just be active all the time, para when the opportunity comes na kakailanganin ng skin or something, prepared ka na.

Kaya sabi niya: “Buti na lang, madalas na akong nakakapag-work out even before the shoot. Na pagdating ng shoot, hindi na ako masyadong naghahabol.”

Pero paglilinaw ni Julia, kumakain pa rin naman daw siya sa kabila ng katotohanang kailangan niyang i-maintain ang korte ng kaniyang katawan. Sinusundan din naman kasi niya ito nang work out pagkatapos.

Samantala, hindi naman naiwasang maipagkumpara ng mga netizen si Julia sa tiyahin niyang si Gretchen Barretto na ipinakilala rin bilang Tanduay calendar girl noong 90s.

MAKI-BALITA: Parehong Tanduay Calendar Girl: Julia at Gretchen pinagkukumpara