Single ka ba at lagi na lang third wheel ng barkada?

Don’t feel bad! Pwede mong enjoy-in ang pagiging third wheel this Valentine’s Day sa pamamagitan ng libreng meal na ino-offer ng isang buffet restaurant sa Quezon City.

Sa isang Facebook post, ibinahagi ng Crown Plaza Manila Galleria na magkakaloob ang kanilang buffet restaurant ng free lunch buffet meals para sa mga third wheel sa darating na Pebrero 13 at 14, 2024.

Nasa ₱2,700 raw ang babayaran ng couple per head, habang libre naman ang kanilang kasamang third wheel.

Tourism

World Architecture Day: Ilang makasaysayang gusali sa bansa na nananatili pa ring nakatayo

“Single? Always the third wheel? Let’s celebrate YOU on Feb 13 and 14,” anang Crowne Plaza Manila Galleria sa kanilang post.

“The couple enjoys their meal and so do you (for free). It’s a WIN WIN this LOVE month! LUCKY you!” dagdag pa nito.

Matatagpuan ang restaurant sa 3rd floor, Crowne Plaza Manila Galleria, Ortigas Avenue, Corner Asian Development Bank Avenue, Quezon City.