Kung humirit kamakailan si "Eat Bulaga" host Ryzza Mae Dizon kay Aga Muhlach na piliin siyang maging "daughter-in-law" para sa unico hijo nila ng misis na si Charlene Gonzales na si Andres Muhlach, pati si Unkabogable Star Vice Ganda ay nakiusap kay Aga na beke nemen sa "It's Showtime" isama at idagdag sa line-up ng hosts ang poging anak.

Hirit pa nga ni Aga kay Ryzza, napanaginipan pa siya ng anak bago siya sumalang sa segment na "Peraphy" para mag-promote ng pelikulang "Ikaw Pa Rin Ang Pipiliin Ko" na unang pagtatambal nila ni Julia Barretto.

MAKI-BALITA: RYZZA MAE DIZON, MAY HIRIT KAY AGA MUHLACH: ‘PICK ME PO’

Sa panayam naman ni Vice Ganda kay Aga sa kaniyang vlog, hiniritan ni Vice si Aga na sana nga raw, dalhin naman si Andres sa Showtime dahil ang unica hija naman nilang si Atasha ay regular host ng Eat Bulaga.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Hirit pa ni Vice, para naman daw magkaroon pa ng additional guwapong host sa grupo bukod pa sa kaniyang partner na si Ion Perez.

"Para may guwapo naman do'n bukod kay Ion. Ang tatanda na ng mga kasama ko, si Vhong (Navarro) ang tanda na, si Jhong (Hilario) ang tanda na, si Ogie Alcasid may gout na."

"Sama ka sa 'min do'n. Showtime ka Andres, ha?" sundot pa ni Vice.

Umikot din ang usapan ng dalawa tungkol sa parenting style nina Aga at Charlene. Aniya, hindi raw siya natatakot na dumating ang panahong maging "irrelevant" na sila sa buhay ng kanilang mga anak.

Sey naman ni Vice, maraming natatakot na mga magulang na maging irrelevant sila sa mga anak nila pagdating ng "adult stage" ng mga ito.

Pero sa pananaw ni Vice, mas okay nga iyon dahil ibig sabihin, kaya na nilang tumayo sa sarili nilang mga paa, bagay na hindi naman ibig sabihin no'n ay hindi na tatanaw ng utang na loob sa mga magulang. Sang-ayon naman dito si Aga.