Isang magnitude 4.9 na lindol ang tumama sa probinsya ng Occidental Mindoro nitong Huwebes ng umaga, Pebrero 1, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 4:46 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 13 kilometro ang layo sa hilagang-kanluran ng Abra De Ilog, Occidental Mindoro, na may lalim na 11 kilometro.

Naitala ang Instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar:

Intensity IV - Abra de Ilog and Mamburao, OCCIDENTAL MINDORO

CHR, nagkasa na ng imbestigasyon sa pagkamatay ng 19 katao sa operasyon ng militar sa Negros

Intensity III - City of Calapan, ORIENTAL MINDORO

Intensity II - City of Tagaytay, CAVITE

Intensity I - Batangas City, Cuenca, Mataas na kahoy, and San Luis, BATANGAS

Hindi naman inaasahang magkakaroon ng aftershocks ang lindol, ngunit posible umanong magdulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.