Na-corner ng tanong ni Asia’s King of Talk Boy Abunda ang TV host, actor, at dating Quezon City councilor na si Roderick Paulate sa latest interview niya rito nitong Martes, Enero 30.

Sa isang bahagi kasi ng Fast Talk with Boy Abunda, naungkat ni Boy ang tungkol sa mga naging pag-ibig ng magkaibigang sina Roderick at Carmi Martin.

Tanong ni Boy kay Carmi: “Sa buhay mo, how many times you…told your friend “Kuya Dick, it must be love?’”

“Many times,” tugon ni Carmi, “pero isa lang ang kilala niya before.”

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Dagdag pa niya: “Masasabi ko sa lovelife, parang hindi ko yata nasabi. That’s why kung nasaan ako ngayon, I’m happy being single.”

Sunod namang binalingan ni Boy si Roderick: “Kuya Dick, ikaw?”

“Marami naman akong ganoon din,” sagot niya, “kaya lang…pagdating sa private life, hindi talaga ako makuwento. Pero ‘yong iba, I think nasulat naman ‘yong mga iba, hindi ba? Kasi mayroong isang very popular also. So, nasusulat.”

“But okay lang. Kaya lang hindi lang siguro panahon pa—’yong panahong ‘yon, ha—especially, humility aside, nasa peak tayo ng career. Parang hindi ako naka-focus doon. Mas naka-focus sa ako career at pamilya,” aniya.

“Pero wala bang panahon na naiba ang timpla? Nagkatitigan ng iba?” usisa bigla ni Boy.

“Kasi noong panahon namin, nakita ko nga ‘yong mga nakapaligid, mga mestiso. E, ako naman magaling naman akong makiramdam,” sagot ni Roderick.

“Parang sa nakita ko parang hindi naman ako pwedeng pumasok dyan, ‘di ba. Alam ko naman kung saan ako pupwesto,” aniya.

Matatandaang nagkasama sina Roderick at Carmi sa mga programa ng ABS-CBN noong 1988 bilang hosts ng Tonight with Dick and Carmi na nasundan naman ng sitcom na Abangan ang Susunod na Kabanata noong 1991.

Samantala, muli silang nagkasama noong 2017 sa fantaserye na Wansapanataym Presents: Amazing Ving sa nasabi ring TV station.