Tila tumitindi na talaga ang pangangailangang pampinansyal ni Queen of All Media Kris Aquino dahil bukod umano kay Bimby ay gusto na rin daw nitong pagtrabahuhin si Josh.

Sa latest episode ng “Cristy Ferminute” nitong Miyerkules, Enero 31, iniulat ni showbiz columnist Cristy Fermin na gusto raw ni Kris na mag-model si Josh.

“Si Kris daw kasi gustong mag-model itong si Josh. Kasi nga ‘di ba ‘yong isang t-shirt company ka-close niya ‘yong may-ari,” saad ni Cristy.

“Pero huwag na po sanang sabihin ‘yong kailangang magtrabaho ang kaniyang mga anak dahil lumolobo na ang bayarin niya sa kaniyang pagkakasakit,” aniya. 

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

“Naku, hindi po totoo ‘yan. Wala pong maniniwala. Bakit naman kailangang pagtrabahuhin itong mga batang ito? Bakit iaasa ba ni Kris ang kaniyang mga kakailanganing gamot; mga kung anoman ang dapat gawin sa kaniya ni Dr. Gupta dito sa kikitain ng magkapatid?” dagdag pa niya.

Mukhang hindi pa nga raw uuwi si Josh sa Pilipinas at maging ang kapatid nitong si Bimby. Gusto raw kasi ng magkapatid, kasama nilang dalawa ang kanilang ina. 

“Sino pa nga bang magbibigay ng magandang pagtrato at malasakit sa nanay kundi ang mga anak?” saad pa ng showbiz columnist.

Segunda naman ng co-host niyang si Romel Chika: “Saka mahirap sa may sakit  ‘yong wala sa tabi niya ‘yong mga anak niya. Iisip-isipin niya pa kung ano nang ginagawa ng mga anak niya ‘di ba?”

“Oo,” sang-ayon ni Cristy, “‘yong pag-iisip pa lang. Sobrang stress na ‘yon. Kaya hangga’t maaari, dapat magkakasama na lang sila.”

Matatandaang nauna nang naiulat ang tungkol sa plano ni Kris na pauwiin si Bimby sa Pilipinas para makapagtrabaho na dahil sa tumataas niyang medical bills.

MAKI-BALITA: Medical bills, pataas nang pataas; Bimby magtatrabaho na para kay Kris?