Mukhang naka-move on na ang Kapuso actress na si Carla Abellana sa hiwalayan nila ng estranged husband  na si Tom Rodriguez.

Positibo ang pananaw ng aktres nang sumagot sa interview na lumabas sa Chika Minute ng 24 Oras sa mismong araw ng renewal ng kaniyang kontrata sa GMA-7.

Kaugnay ito na nasa bansa na si Tom na ibinahagi sa Instagram ng kanyang manager na si Popoy Caritativo. Walang alam daw si Carla na narito na sa Pinas ang kanyang estranged husband. Nagpahayag si Carla kung anong nararamdaman niya sa pagkakataong ito.

“I didn’t even know, ngayon ko lang nalaman. Ok ito yung parang… I don’t feel you know intimidated, scared, nervous wala namang ganoon. Ah of course artista siya, may obligation siya, he is a Kapuso, dadating naman talaga yun na babalik siya sa trabaho. Hindi mo maiiwasan yan. I thought about it many times. Expected ko naman yan.”

National

Painting ni Amorsolo sa private museum sa NegOcc, ninakaw!

Matatandaang lumipad patungong Arizona sa US last March 2022 si Tom nang magkaroon ng problema ang married life nila ni Carla hanggang sa magkahiwalay ang dalawa.

If ever daw magkita ang dalawa dahil nga nasa iisang network sila wala naman daw problema kay Carla.

“I think ok lang. Ready naman ako. Hindi naman ako yung type na ay ayoko or avoid or what, you know it’s inevitable ika nga.”

Sa pagiging certified Kapuso pa rin ni Carla sunud sunod daw ang magiging project niya sa GMA-7. Mayroon siyang “Stolen Life” with Gabby Concepcion at Beauty Gonzalez na pinapalabas sa hapon at ang upcoming na “Widows’ War” with Bea Alonzo.

Sa mga executives ng GMA-7 iisa ang kanilang papuri kay Carla maganda at magaling na artista. Yun na!