Kinumpirma ni Unkabogable Star Vice Ganda na magkakaroon siya ng upcoming movie kasama ang award-winning director na si Jun Robles Lana.

Sa ibinahaging video ni ABS-CBN showbiz reporter MJ Felipe nitong Sabado, Enero 27, nabanggit ni Vice Ganda ang tungkol dito sa mensaheng binigkas niya para kay Gladys Reyes na nagdiwang ng 20th wedding anniversary sa asawang si Christopher Reyes.

“Malalim ‘yong pagkakakilala namin [ni Gladys] sa isa’t isa. Kahit hindi kami lagi’t laging nagkikita. Like, araw-araw o maya’t maya. Hindi nagbabago ‘yong pagtingin niya sa akin at pagmamahal sa akin at suporta,” saad ni Vice Ganda.

“Kaya nga sabi ko sa kaniya, siguro naman sa tanda nating ‘to dapat mayroon na rin tayong project na magkasama talaga. Sana sa next movie ko, magkasama na tayong dalawa,” aniya.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Sabi naman ni Gladys: “Sana ano, with Direk Jun Lana.”

 “Yes, oo. May project tayo with Jun Luna. With Direk Jun Lana. Kaya nakaka-excite,” lahad pa ni Vice Ganda.

Napanood daw ng Unkabogable Star ang pelikulang “Mga Kuwentong Barbero” ni Lana kung saan gumanap si Gladys bilang “Susan”. 

“Tapos, sabi ko, ‘Ay Jun Lana!’ E, mayroon akong project with Direk Jun. Saktong-sakto kasi 

Jun Lana baby siya. Sabi ko kay Direk Jun magsama tayo sa next project,” saad pa ni Vice Ganda.

Matatandaang si Lana ay nakilala sa paggawa ng mga pelikulang nakasentro ang kuwento sa mga gay na karakter gaya ng Bwakaw (2012), Die Beautiful (2016), Panti Sisters (2019), Born Beautiful (2019), at Big Night! (2021).

Samantala, ang latest movie naman ni Lana ay ang “Becky and Badette” na nakasungkit ng Gender Sensitivity Award sa 49th Metro Manila Film Festival.

MAKI-BALITA: Listahan ng mga nagwagi sa 2023 MMFF Gabi ng Parangal