Hindi pumayag ang Phoenix Super LPG na mawalis ng Magnolia ang PBA Season 48 Commissioner's Cup semifinals sa Mall of Asia Arena sa Pasay nitong Linggo.

Inubos ng Phoenix ang Magnolia Hotshots, 103-85 sa Game 3 ng kanilang best-of-five series kaya't nagkaroon pa ito ng pagkakataong maipanalo ang dalawa pang laban upang makapasok sa finals.

Pinangunahan ni RJ Jazul ang Phoenix upang mahabol ang 21 puntos na bentahe ng Hotshots at makuha pa ang kalamangan, 85-71, mahigit walong minuto na lamang sa final period.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Kumubra si Jazul ng 17 points, at naka-double-double naman ang kakamping si Johnathan Williams sa naipong 19 points at 15 rebounds.

Tumulong din sa kanila sina Ken Tuffin, Sean Manganti, at Javee Mocon, pawang naka-14 points, at Jason Perkins (13 points).