Patay ang isang binatilyo matapos tuklawin ng ahas sa Barangay Capangdanan, Bantay, Ilocos Sur kamakailan.

Dead on arrival sa ospital ang 18-anyos na si Joross del Castillo, taga-Brgy. Capangdanan, dahil sa pagkalat ng lason sa katawan nito.

Sa report ng pulisya, naapakan ng binatilyo ang ahas habang ito ay patungo sa kanilang palayan nitong Biyernes, Enero 26.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Kaagad na tinalian ng kasamahan nito ang kanyang paa upang hindi kumalat ang lason habang isinusugod sa opistal.

Gayunman, binawian ng buhay si Del Castillo dahil sa kawalan ng maituturok na anti-venom sa nasabing ospital.

Freddie Lazaro