₱77.7M lotto jackpot, zero winner -- PCSO
Walang nanalo sa mahigit ₱77.7 milyong jackpot sa Ultra Lotto 6/58 draw nitong Linggo ng gabi.
Katwiran ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), walang nakakuha sa winning combination na 51-18-54-10-49-35.
Hindi rin napanalunan ang ₱23,771,433.00 jackpot sa isinagawang draw ng Super Lotto 6/49 kung saan lumabas ang winning combination 20-39-07-40-13-41.
Inaasahang lolobo pa ang magiging premyo sa susunod na draw ng mga nasabing lotto games, paliwanag pa ng PCSO.