Muling tumuntong sa "Eat Bulaga!" ang dati nitong host na si Toni Gonzaga-Soriano makalipas ang isang taon, hindi para maging host, kundi upang maglaro sa segment na "Gimme 5: Laro ng mga Henyo" sa TV5.

Para ito sa promotion ng kaniyang comeback movie na "My Sassy Girl" na mapapanood na sa mga sinehan nationwide sa darating na Enero 31, 2024.

MAKI-BALITA: My Sassy Girl: Toni Gonzaga, balik-romcom movie na

Ito ang unang pagtatambal nila ng komedyanteng si Pepe Herrera, na isa sa cast members naman ng pelikulang "Rewind," na kamakailan lamang opisyal nang deklarado bilang "highest-grossing Filipino movie of all time" at nahigitan na nga ang "Hello, Love, Goodbye."

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Ito ang pangalawang beses na nakabalik sa nabanggit na noontime show si Toni, ilang taon matapos niyang layasan ito at lumipat sa ABS-CBN.

Ang unang beses ay noong 2022 para sa promosyon ng "My Teacher," ang kauna-unahang Metro Manila Film Festival (MMFF) movie nila ni Joey De Leon.

MAKI-BALITA: ‘Nakabalik kung saan nagsimula!’ Toni Gonzaga, muling nakatuntong sa ‘Eat Bulaga’

Trending na sa X si Toni dahil sa kaniyang appearance sa EB, at maraming humihirit sa kaniya ngayon na baka puwede na siyang bumalik dito bilang isa sa mga host.

Wala pang sey ang kampo ni Toni kung papayag nga ba siyang bumalik bilang regular host sa nabanggit na noontime show na kaniyang pinanggalingan, noong nasa GMA Network pa ito.

Sa kasalukuyan kasi ay contract artist pa si Toni sa ALLTV, na napapanood sa dating frequency channel ng ABS-CBN.