Nakakaloka ang pasabog na isiniwalat ng co-host ni showbiz columnist Cristy Fermin tungkol sa 2016 model Chevrolet Corvette Stingray C7 na ibinenta ni Kapamilya star Daniel Padilla.

Sa latest episode ng “Showbiz Now Na” nitong Sabado, Enero 27, sinabi ni Romel Chika na hindi naman daw pala magkasosyo sina Daniel at ang ex-jowa nitong si Kathryn Bernardo sa kita ng binentang kotse.

MAKI-BALITA: Milyones na sports car ni Daniel Padilla, ibinebenta kay Boss Toyo

“Ang buong alam ng sambayanan ay hati sila [Kathryn at Daniel] doon [sa pinagbentahan ng kotse]. Ito na, hindi pala…Hindi totoo ‘yan. Kay Kathryn lang ang perang ‘yon,” saad ni Romel.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Kuwento ni Romel, second hand lang umano nabili ni Kathryn ang nasabing kotse para sa ex-jowa. Gustong-gusto raw kasing magkaroon ni Daniel ng ganoong sasakyan pero wala namang nakahandang pambili ang aktor kaya inabunuhan na muna ni Kathryn.

“At nito nga pong ibinebenta na, ibinabalik yata ni Daniel ‘yong kotse. Anong sabi ni Kathryn?” tanong ni Cristy.

Sagot ni Romel: “Ang sabi, ‘Huwag kotse. Aanhin ko ang kotse? ‘Di ko magagamit ‘yan. Pera ang ibalik mo sa akin’. Kaya ibinebenta.”

Anyway, binayaran naman daw ni Daniel si Kathryn matapos maipagbili ang nasabing luxury car.

“Naku, ngayon lang po natin nalaman ‘to, mga katsika. Ang buong akala po natin at ng buong mundo ng showbiz at labas na rin ng showbiz ay magkasosyo sila, hati sila doon sa Stingray C7,” sey ni Cristy.

MAKI-BALITA: ‘May nanalo na!’ Sino nagka-interes bumili sa sports car ni Daniel Padilla?

Matatandaang bukod pa rito ay napabalita ring pinaplano nang ibenta ni Daniel ang kaniyang bahay at magsasara na rin umano ang negosyo niya.

MAKI-BALITA: Matapos ibenta ang kotse: Daniel, plano ring isunod ang bahay?

MAKI-BALITA: Kotse, bahay dinispatsa na; Negosyo ni Daniel, magsasara na?

Bagama’t wala pang inilalabas na pahayag ang kampo nina Kathryn at Daniel para kumpirmahin at pabulaanan ang tungkol dito, paninindigan umano ni Cristy ang kanilang naiulat.