Ipinahayag ni House Speaker Martin Romualdez na hindi raw totoong nagtatampo siya sa kaniyang pinsan na si Senador Imee Marcos dahil sa pagdedeklara nito sa sarili bilang “pro-Duterte.”

Matatandaang sinabi kamakailan Marcos na masama raw ang loob ni Romualdez sa kaniya mula noong ihayag niya ang kaniyang buong suporta sa pamilya Duterte at nais niyang isalba ang UniTeam.

“Alam ko may tampo ‘yon sa’kin eh, mula noong October dahil nga sinabi ko na pro-Duterte ako. Kasi gusto ko ngang masalba at huwag masira ang UniTeam.

“Bakit tayo nakikipag-away? Hindi naman [sila] nakikipag-away. Ang tapang-tapang nga ng mga Duterte, pero hindi naman tayo tinatapangan. Talagang mababait sa ‘tin. Ano bang problema?” ani Sen. Marcos kamakailan, bagay na pinasalamatan naman ni Vice President Sara Duterte sa isang pahayag.

National

Matapos rebelasyon ni Garma: Ex-Pres. Duterte, dapat nang kasuhan – Rep. Castro

MAKI-BALITA: VP Sara nang depensahan ni Sen. Imee ang pamilya Duterte: ‘Prinsipyo lang ang meron kami’

Samantala, sinabi naman ni Romualdez sa isang press briefing nitong Biyernes, Enero 26, na bagama’t hindi sila nakakapag-usap nang madalas ni Marcos, nirerespeto raw niya ito bilang kaniyang pinsan at senador, at wala raw siyang tampo rito.

"I hardly get to speak to the good senator, my cousin. I've not had the opportunity to speak to her recently so I don't even know where all of this is coming from about her interpreting how I am kasi nagtatampo ako,” saad ni Romualdez.

"Hindi ako nagtatampo sa kanya. I respect her as my cousin, as my senator, and we leave it at that. I'm free anytime, she can give me a call, she can text me anytime. If she prefers to do it out with the media, that's her prerogative, but there's no truth to that," dagdag pa niya. 

Sa kabila nito, iginiit din ni Romualdez sa naturang press briefing na hindi raw totoo ang akusasyon ni Sen. Marcos na siya ang nasa likod ng PI campaign.

MAKI-BALITA: Imee, ipinagdiinang si Romualdez umano ang nasa likod ng PI campaign

“That is baseless. Siguro kausapin n’yo na lang siya, nagma-marites siguro, nakikinig sa mga marites,” ani Romualdez.

MAKI-BALITA: Romualdez sa akusasyon ni Imee: ‘Nagma-marites siguro siya’