Lumawak pa ang mga lugar sa bansa na apektado ng red tide, ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Ang tatlong lugar ay kinabibilangan ng Milagros sa Masbate, San Pedro Bay sa Samar at Matarinao Bay sa Eastern Samar.

Nauna nang naiulat ng BFAR na apektado na ng paralytic shellfish poison ang baybayin ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol,  Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur, Lianga Bay sa Surigao del Sur; at coastal waters ng San Benito sa Surigao del Norte.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Nanawagan ang BFAR sa publiko na huwag na munang kumain ng shellfish na nahahango sa mga naturang lugar dahil mapanganib ito sa kalusugan.

Gayunman, sinabi pa ng ahensya na ligtas namang kumain ng mga isda, pusit, hipon, at alimangong huli o nagmula sa nasabing karagatan, basta hugasan at lutuin nang mabuti.