Inanunsiyo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Huwebes na isang lucky bettor mula sa Cavite ang pinalad na magwagi ng ₱45.6 milyong jackpot prize ng MegaLotto 6/45 na binola nitong Miyerkules ng gabi.

Sa abiso ng PCSO, nabatid na matagumpay na nahulaan ng lucky bettor ang six-digit winning combination na 05-12-19-01-28-08 kaya’t naiuwi nito ang katumbas na jackpot prize na ₱45,638,809.

Nabili umano ng lucky winner ang kanyang lucky ticket sa Gen. Trias City, Cavite.

National

1 na namang bettor, nanalo ng ₱45.6M jackpot sa lotto

Ayon kay PCSO General Manager Melquiades Robles, upang makubra ang kanyang premyo ay maaaring magtungo ang lucky winner sa punong tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City.

Kailangan din aniya nitong iprisinta ang kanyang winning ticket, gayundin ang kanyang dalawang balidong IDs.

Pinaalalahanan naman ni Robles ang lucky winner na ang lahat ng premyong lampas ng ₱10,000 ay papatawan ng 20% tax, alinsunod sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.

Ang lahat naman ng premyong hindi makukubra sa loob ng isang taon, mula sa petsa nang pagbola dito, ay awtomatikong mapo-forfeit at mapupunta sa kawanggawa.

Muli rin namang hinikayat ni Robles ang publiko na patuloy na tangkilikin ang mga PCSO games, partikular na ang lotto, upang magkaroon na ng pagkakataong maging susunod na milyonaryo, ay makatulong pa sa mga kababayan nating nangangailangan.

Ang MegaLotto 6/45 ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes.