Simula Disyembre 2023, mahigit na sa ₱2.4 bilyong jackpot ang napanalunan sa 11 na lotto draw.

Ito ay batay sa datos ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na isinapubliko nitong Huwebes.

Kabilang sa mga tinamaan ang mahigit sa ₱698 milyong premyo ng 6/55 Grand Lotto noong Disyembre 17.

Nasa ₱640 milyon namang jackpot ang napanalunan sa Super Lotto 6/49 draw nitong Disyembre 16 bago tamaan ang ₱571 milyong premyo sa draw ng Ultra Lotto 6/58 nitong Disyembre 29.

National

Umano'y 'white substance' na inabot kay PBBM, isang lapel pin daw sey ng PCO

Tinamaan din ang ₱310 milyong premyo sa Super Lotto 6/49 draw noong Disyembre 19.

Pinakamaliit na tinamaan ang ₱45.6 milyong jackpot para sa Mega Lotto 6/45 nitong Enero 24.

Hindi naman nakaligtas sa ilang senador ang malalaking premyong napanalunan.

Nangako na si Senate Minority Leader Aquilino Pimentel na iimbestigahan ng Senado ang sunud-sunod na pagkapanalo sa mga naturang draw upang matukoy kung nagkaroon ng anomalya.

Dati nang itinanggi ni PCSO general manager Mel Robles na nagkaroon ng anomalya dahil hindi nila kayang manipulahin ang resulta ng lotto draw.