Kinumpirma ng pulisya na napatay nila ang lider ng isang criminal group na itinuturing din na Top Most Wanted Person ng Bicol Region sa ikinasang operasyon sa Parañaque City nitong Miyerkules ng gabi.

Sa Facebook post ng National Capital Region Police Office (NCRPO), nakilala ang suspek na si Gilbert Saysay Concepcion, alyas “Bert/Pogi” at taga-Molosbolos, Libon, Albay.

Si Concepcion ay lider ng Concepcion Criminal Group, ayon sa NCRPO.

Bukod kay Concepcion, napatay din ang isa sa tauhan nito na si Laeco Josie Quite Saysay, alyas “Lay” at taga-Brgy. Ganado, Biñan City, Laguna. 

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!

Sa police report, ang operasyon ay ikinasa ng mga tauhan ng Regional Intelligence Unit–National Capital Region (RIU-NCR), Technical Services Division Intelligence Group, Regional Special Operations Unit -National Capital Region Police Office (RSOU-NCRPO), Regional Mobile Force Battalion (RMFB-NCR), District Intelligence Division, Southern Police District (DID-SPD), Paranaque City Police Station, Regional Intelligence Unit 5 (RIU5), Regional Mobile Force Battalion 5 (RMFB5), Regional Special Operations Unit-Regional Intelligence Division 5 (RSOU-RID5), Albay Provincial Forensic Unit, Criminal Investigation and Detection Group 5 (PFU-CIDG), National Intelligence Coordinating Agency 5 (NICA5), Provincial Investigation Unit, Albay Provincial Police Office (PPO), 2nd Provincial Mobile Force Company, Camarines Sur PPO, at Tactical Operations Group 5 sa Brgy. San Martin de Porres, Parañaque City nitong Enero 24, dakong 6:00 ng gabi.

Naiulat na natunugan nina Concepcion at Saysay na minamanmanan sila ng mga awtoridad.

Bigla na lamang umanong pinaputukan ang mga pulis kaya't nagkaroon ng sagupaan na ikinasawi ng dalawang suspek.

Narekober sa pinangyarihan ng sagupaan ang tatlong baril, ilang magazine at mga bala.