Sugatan ang isang lalaking menor de edad makaraang barilin ng kainumang construction worker sa Sta. Ana, Cagayan, kamakailan.

Isinugod sa St. Anthony Hospital ang biktimang si JB Malapit Torres, 17, taga-Barangay San Vicente, dahil sa tama ng bala sa kanyang ulo.

Naharang naman sa checkpoint ang suspek na si Johnson Tuquib, 35, taga-Cauayan City, Isabela.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Sa paunang imbestigasyon ng Sta. Ana Municipal Police, kasalukuyan umanong nag-iinuman ang biktima at suspek, kasama ang dalawang iba pa sa sitio Pasiguit, Brgy. San Vicente nang maganap ang insidente.

Matapos ang pamamaril, kaagad na tumakas ang suspek nang habulin ng pulisya sa Brgy. Casambalangan.

Nasamsam sa suspek ang ginamit na isang .45 caliber.

Sasampahan ng kaukulang kaso ang suspek na under custody na ng Sta. Ana Police Station.