May 22, 2026

Home BALITA Politics

‘Tama na ang bakasyon!’ Akbayan Partylist, ikinatuwa pagkakadampot kay Zaldy Co

‘Tama na ang bakasyon!’ Akbayan Partylist, ikinatuwa pagkakadampot kay Zaldy Co
Photo courtesy: Akbayan FB, File photo

Ikinatuwa ng Akbayan Partylist ang pagkakaaresto kay dating Ako Bicol Partylist Rep. Elizaldy Co—na importanteng pangyayari umano sa kasagsagan ng pagkawala ng tiwala ng taumbayan sa batas.

Sa kanilang pahayag nitong Biyernes, Abril 17, iginiit ng Akbayan na maituturing importanteng hakbang ang pagkatiklo ni Co sa Czech Republic upang mapanagot siya sa mga kasong kinauugnayan niya hinggil sa maanomalyang flood control projects.

“Akbayan Party welcomes the arrest of Zaldy Co in Prague as an important step toward accountability. At a time when public trust is already fragile, developments like this show that no one should be beyond the reach of the law,” anang Akbayan.

Nananawagan din ang Akbayan kay Co na harapain na ang mga kasong kinasasangkutan niya at makipagtulungan sa “due process” ng batas.

“We call on the former lawmaker to face the serious allegations against him directly, particularly his involvement in the controversies surrounding the 2025 budget and flood control projects, and to submit himself fully to due process,” saad pa ng Akbayan.

Politics

Sen. Loren, niligwak na rin ng Kislap Diwa na pinangangasiwaan niya!

Binira din nila ang pagtatago raw ni Co at ang mga pahayag niya mula sa mga video noon na kaniyang isinapubliko laman ang mga rebelasyon hinggil sa budget insertions at flood control. 

MAKI-BALITA: Palasyo, nagdududa sa katauhan ni Co sa mga video

Anila, “Tama na ang ‘bakasyon.’ Tama na ang pagtatago sa pira-pirasong mga videos. Panahon na ng buong katotohanan at pananagutan.”

Matatandaang noong Huwebes, Abril 16, 2026, nang kumpirmahin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong: Marcos, Jr., ang pagkakaaresto ni Co sa Czech Republic matapos umano itong nagtangkang bumiyahe nang walang kaukulang dokumento.

“Nahuli na si Zaldy Co. He is now detained in Prague after crossing into the Czech Republic without proper documentation and is currently in the custody of Czech authorities,” aniya. 

KAUGNAY NA BALITA: Zaldy Co, tiklo sa pagpasok sa Czech Republic—PBBM

Samantala, inaasahan namang aabot ng isa hanggang tatlong linggo bago umano tuluyang mapabalik sa bansa si Co, ayon kay Interior Secretary Jonvic Remulla.

“Siguro in one week or as long as three weeks depende sa DFA. Sila talaga ang lead dito, hindi naman ako, e. Coordination lang ako,” ‘ika niya.  

KAUGNAY NA BALITA: Zaldy Co, 1-3 linggo bago makabalik sa Pinas—SILG Remulla