May 21, 2026

Home BALITA National

DTI: Walang pagtataas sa presyo ng mga bilihin hanggang Mayo 10

DTI: Walang pagtataas sa presyo ng mga bilihin hanggang Mayo 10
Photo courtesy: MB

Inanunsyo ng Department of Trade and Industry (DTI) na walang magiging pagtataas sa presyo ng basic necessities at prime commodities (BNPC) sa groceries at supermarkets sa bansa hanggang Mayo 10, na dati ay hanggang Abril 30. 

“I would like to inform the public that there will be no price increase up to May 10. Hindi na siya April 30. ‘Yong no price increase for basic necessities and prime commodities sa listahan ng DTI ay hanggang May 10,” saad ni DTI Sec. Ma. Cristina Roque sa media noong Biyernes, Abril 17. 

Aniya pa, ang pagpapanatili ng mga presyo ng bilihin ay tulong upang maibsan ang araw-araw na gastusin ng bawat Pinoy sa kasagsagan ng kinahaharap na krisis sa enerhiya sa bansa. 

Matatandaang idineklara ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos noong Marso ang “state of national energy emergency” sa Pilipinas bunsod ng patuloy na tensyon sa Middle East. 

MAKI-BALITA: PBBM, nagdeklara ng state of national energy emergency!

National

PNP, susunod sa kautusan ng DOJ na ipatupad arrest warrant ng ICC vs Sen. Bato

KAUGNAY NA BALITA: Hindi na everything is normal? Mga dapat malaman sa deklarasyong 'national energy emergency' ni PBBM

Alinsunod sa inilabas na Executive Order No. 110 ni PBBM, pinahihintulutan ang pagpapatupad ng programang “Unified Package for Livelihoods, Industry, Food, and Transport (UPLIFT),” na bantayan ang distribusyon at tiyakin ang sapat na suplay ng fuel, pagkain, gamot, at iba pang pangunahing pangangailangan, habang pinagtitibay ang koordinasyon ng pamahalaan. 

MAKI-BALITA: Ano ang UPLIFT committee ng national energy emergency at sino-sino ang miyembro nito?