May ilang netizens ang naantig sa latest Instagram post ng actress at social media personality na si Alex Gonzaga nitong Lunes, Enero 22.

Ibinahagi kasi niya sa nasabing social media platform ang isang video na ginamitan ng filter na nakakapagpaumbok ng bahagi ng katawan gaya ng tiyan kaya nagmukha tuloy siyang buntis.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

View this post on Instagram

A post shared by Alex Gonzaga-Morada (@cathygonzaga)

“Bagay naman diba kaya Lord kahit yung pwet nalang muna 😅😂” sey ni Alex.

Umani naman ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing video. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“Awwww ❤️ The Lord will hear your prayers my dear”

“Nagpapaiyak ka naman mhie! Love you 😘”

“Kahit yung kay Maam Alex nalang muna Lord okay pa ko kaya ko pa maghintay. Mas kaya na nya po bumuhay ng bata! Bigay nyo na po sakanila no Konsi!”

“How you treat your pamangkin, you’re already a mom Alex! ✨🙏”

“awwwwww lex”

“OMG yung puso ko!!!!malapit na yan!!!!🙏🏻🙏🏻”

“In God's perfect time ate 🙏🥺”

“Geh Lord, okay lang po ako, kahit wag mo muna ko bigyan jowa basta bigyan mo muna baby ate Cat and kuya Mikee 🙏”

Matatandaang dalawang beses nang nakaranas ng miscarriage si Alex. Huli siyang nakunan noong nakaraan taon. Eksklusibo niyang isiniwalat ang tungkol sa bagay na ito sa vlog ng kaniyang kapatid na si Toni Gonzaga.

MAKI-BALITA: Alex Gonzaga, muling nakunan

MAKI-BALITA:  Alex Gonzaga, binasag na ang katahimikan hinggil sa pagbubuntis