Hindi raw magaganda ang natatanggap na komento ni Kapamilya star Kathryn Bernardo sa mga nakalipas na araw ayon kay showbiz columnist Cristy Fermin.

Sa latest episode kasing “Cristy Ferminute” nitong Miyerkules, Enero 24, tinalakay ng showbiz columnist kung may kaugnayan nga ba ang mga kaibigan ni Kathryn sa mga umano’y hindi magagandang nangyayari sa aktres.

“‘Yong kay Kathryn Bernardo, ano? Hindi kagandahan itong mga huling nababasa natin, nasusulat, at saka mga komentong tinatanggap niya,” lahad ni Cristy.

“Diumano–kasi ‘di natin kilala ‘yong sina…bestfriend niya na si Sofia Andres saka ‘yong isa si Alora Sasam–-hindi natin kasi sila kilala nang personal kaya hindi natin pwedeng tanggapin na mga hindi kagandahang impluwensiya nga kay Kathryn ang mga taong ito,” aniya.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Pero dagdag niya: “May mga hindi nakakaunawa kay Kathryn ngayon. Dahil sabi nga natin, ngayon pa lang niya sinasamantala ang panahon para siya ay makapaglibang at mapatunayan at maranasan ang pagiging babaeng malaya.”

Ayon pa kay Romel, marami raw kasing ibinabahaging pictures si Kathryn kung saan makikita na talagang ini-enjoy talaga nito ang pagiging single niya sa kasalukuyan at ‘yon umano ang binibigyan ng maling interpretasyon.

May ideya naman si Cristy kung saan nanggaling ang hindi magandang interpretasyong natatanggap ni Kathryn sa pagiging masaya niya.

“Tanggapin natin ang katotohanan. Naghati-hati po kasi. Nagkaroon ng paksyon-paksyon ang mga taga-suporta po ng KathNiel. May mga kampi kay Kathryn, mayroon din naman pong mga dumedepensa para kay Daniel Padilla,” wika niya.

“Kaya kung ano man po ang napapansin nila, doon sa hindi nila gusto o hindi kinampihan, ‘yon ang lumulutang po ngayon sa social media at sa mga pahayagan,” saad pa niya.  

Matatandaang hindi pa man kinukumpirma nina Kathryn at Daniel ang kanilang hiwalayan noon ay marami nang fans ang bumitaw sa kanilang love team.

MAKI-BALITA: Ilang fans, bumitaw na sa KathNiel

Kaya sabi ng showbiz columnist, hindi na raw dapat pang pini-flex ni Kathryn ang mga larawan na may hawak siyang bote ng alak habang lulan ng sasakyang pandagat dahil nakakapag-imbita raw ang mga ganoong klaseng post ng mga negatibong komento.