Nilinaw ni ABS-CBN showbiz news reporter MJ Felipe na mula mismo sa Star Magic, muling pipirma ng kontrata ang aktor na si Daniel Padilla sa talent management arm ng Kapamilya Network, gayundin ang muling pagpirma nito ng network contract na naka-iskedyul sa susunod na linggo, na papatak na sa huling linggo ng Enero.

Sansala ito sa mga kumakalat daw na tsikang hindi na pipirma si DJ ng kontrata sa ABS-CBN at Star Magic at naghahanap na ito ng ibang talent agency, gayundin ang isa pang bersyon na hindi na irerenew ang kaniyang kontrata.

MAKI-BALITA: Star Magic, ABS-CBN ‘di na ire-renew ang KathNiel?

Saad ni Felipe sa kaniyang Facebook post, "THIS JUST IN: According to Star Magic, Daniel Padilla is scheduled to sign his network contract renewal next month with ABS-CBN & will still remain with Star Magic."

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

"This is contrary to rumors circulating that the actor is allegedly leaving Star Magic, is looking for a new talent agency and Star Magic is allegedly not renewing him as their talent."

"Star Magic says Daniel will remain with the talent management agency."

Pero wala pang post si Felipe patungkol naman kay Asia's Outstanding Superstar Kathryn Bernardo na napababalitang aalis na sa Star Magic at lilipat na sa "Crown Artists Management" ng mag-asawang Maja Salvador at Rambo Nuñez.

Ayon kasi sa artikulo ng PEP Troika, maugong ang tsikang hindi na magre-renew si Kathryn sa Star Magic matapos ma-expire ang kontrata nito, at may posibilidad na sa CAM na nga raw magpapa-manage ang award-winning actress.

Kung totoo man ito, may laya na si Kathryn na makagawa ng proyekto hindi lamang sa ABS-CBN at Star Cinema kundi sa iba pang network gaya ng Kapuso Network, kung saan hindi naman na bago sa kaniya dahil bago pa man mag-boom ang career niya sa Kapamilya Network, gumanap na siyang young Marian Rivera sa Philippine adaptation ng "Stairway to Heaven" noon.

Pero kung matatandaan, nasabi na noong Disyembre ng ina ni Kath na si Min Bernardo na hindi aalis ng Kapamilya Network ang anak dahil sa isyu ng hiwalayan nila ni DJ.

MAKI-BALITA: Nanay ni Kathryn, nagsalita sa tsikang lalayasan ng anak ang ABS-CBN

Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag na bago ang kampo ni Kathryn gayundin ang Star Magic, ABS-CBN, o maging ang CAM tungkol dito.