Natulala na lamang daw ang aktor na si Christian Vasquez nang isang commenter na babae ang nagsabing pinagpantasyahan siya nito noon.

Sa kaniyang TikTok video, binabasa ni Christian ang mga komento at mensahe sa kaniya ng mga netizen nang isang babae ang nagkomento patungkol sa kaniya.

"Naalala ko non halus magkaedad lng tau naglalock aq ng kuarto para lng ikoskos sa rosas ko taas baba ang picture mo na naka brief heheh,” aniya.

Sa panibagong TikTok videos, sinabi ni Christian na binura na ng TikTok ang comment ng nabanggit na babae.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Dahil daw sa kaniya, nagkaroon na raw ng ibang konotasyon tuloy ang "kuskos" at "rosas."

Well, sa iba pang balita tungkol kay Christian, natanong din siya kung willing siyang magpaka-daring sa isang proyekto, gaya na lamang kapag naofferan siya sa Vivamax.

Sey ni Christian, baka hindi na dahil sa edad niyang nasa 40+ na, baka wala nang manood sa kaniya. Baka hindi na rin daw siya kunin ng Vivamax.

Pero batay sa comment section, mukhang mas gusto pa nga ng mga netizen na makita siya sa daring roles dahil hindi naman halata kay Christian ang edad niya.

Nagsimulang makilala si Christian noong 2000 at bago sumabak sa akting sa telebisyon at pelikula, nakilala muna siya sa isang commercial ng mobile company.