Natanong ang hunk actor na si Christian Vasquez kung kaya pa ba niyang magpaka-daring sa isang pelikula at sumabak sa Vivamax.

Ang Vivamax, ay isang online streaming app kung saan mapapanood ang mga "adult-themed" at maseselang online movies ng Viva, na ma-access naman sa pamamagitan ng subscription fee.

Natanong si Christian tungkol dito matapos mag-viral ang komento sa kaniya ng isang babae na ipinangkuskos daw nito sa "rosas" niya ang larawan noon ng sexy actor habang nakasuot lamang ng underwear, bagay na ikinawindang ng aktor.

Kaya tanong sa kaniya ng isang TikTok user, "Kung mag-offer sa inyo ang VIVAMAX para gumawa uli ng daring na pelikula, tatanggapin nyo?"

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Sagot ng aktor na napanood sa "Lovers and Liars" na katatapos lamang, "Honestly hindi na siguro, ahm, tapos na ako sa stage ng buhay ko na pagiging daring. At saka I am already 46 years old, kayo ba manonood pa ba kayo ng 46 years old na nagde-daring? Papanoorin n'yo pa ba 'ko na daring, parang hindi na... tingin ko hindi n'yo na 'ko panonoorin. So gano'n din siguro 'yong Vivamax, hindi na nila 'ko kukunin kasi hindi n'yo na 'ko panonoorin," aniya pa.

"So hindi na, okay na ako sa mga roles ko ngayon, sa mga characters ko na tatay, kontrabida, okay na 'ko ro'n so past na tayo sa daring!"

Pero sa comment section ay parang mas bet pa ngang mapanood ng mga netizen si Christian sa daring roles.

"daddy, do more daring roles"

"Bakit sina Jay Manalo and Mon Confiado, kaya pa haha."

"Why nooot? Daring yes pleaaase!!!"

"YES! I WILL WATCH A 46 YRS OLD YOU IN A DARING SCENE! AHAHAA"

"Ohhhh yes legend ka 46 but still good looking 🥰🥰"

Si Christian ay minsan na ring nakagawa ng sexy movies kagaya na lamang ng "Liberated" at iba pa.

Why not hindi ba kung bet pa rin ng mga tao at manonood?