Humingi ng dispensa si Unkabogable Star Vice Ganda sa kaibigan at co-host na si Anne Curtis gayundin sa fans na naapektuhan sa naging biruan nila sa "It's Showtime" kamakailan.

Trending na sa social media ang pagbigkas ng “Nice Ganda” ni Anne Curtis habang nagkukulitan sila nina Vice Ganda, Jhong Hilario, at Vhong Navarro sa “EXpecially For You” segment ng kanilang noontime show na “It’s Showtime.”

Hindi namalayan ni Anne na ang pinabibigkas pala sa kaniya ni Vice ay tagline nito sa commercial ng “McDonalds Philippines,” ang espesyal na commercial nilang dalawa ni “EAT… Bulaga!” host Paolo Ballesteros.

Si Anne, ay endorser ng karibal na fast food chain ng McDo na “Jollibee” habang ang co-host naman nilang si Kim Chiu na nagpapagaling mula sa Covid-19 ay endorser ng Chowking.

Eleksyon

Kabataan Party-list, itutulak pagpapatalsik kay VP Sara

Nang mabigkas na ni Anne ang “Nice Ganda” saka lang parang nag-sink in sa kaniya na hindi niya dapat binigkas ang tagline.

“Ayyy! Bad ‘yon sa ‘kin! Sorry po! Pasensya na po kayo,” paghingi ng paumanhin ni Anne sa hindi tinukoy na mga tao, subalit mahihinuhang sa pamunuan ng kompanyang nagtiwala sa kaniya.

Tawang-tawang salag naman ni Vice, “Bakit ka nag-sorry? Wala ka naman sinabing masama?”

“Kapag nawalan ako ng kontrata… Pasensya na po kayo. Hindi ko sinasadya. Lapse of judgement sorry,” sundot pa ni Anne.

“Pumuri ka lang naman ng sitwasyon nila. Nice naman ‘yong sitwasyon,” pagtatanggol naman ni Vice, na ang tinutukoy ay patungkol sa kanilang guests na nakasalang sa segment.

“Maganda naman talaga. Pero pasensya na po. Ikaw talaga. Kapag ako nawalan bayaran mo ‘yon. Kasi pag siningil ako doon ng ano… sige, sige. For sure trending ito at kakalat na naman ito.”

“Baka makatanggap ako ng warning, girl…” nakangiti pang sey ni Anne.

Nang dahil dito ay trending na sa X ang "Nice Ganda," "McDo," at "Jollibee."

Dahil sa ingay na nilikha nito, nilinaw nina Anne at Vice Ganda na maayos naman silang dalawa at walang sama ng loob ang una sa huli.

Kaya sa kaniyang X, humingi ng pasensya si Vice dahil nalagay raw niya sa uncomfortable situation si Anne. Alam daw niyang mali ang kaniyang ginawa.

"I put Anne in an uncomfortable situation. Wrong. Sorry," aniya.

https://twitter.com/vicegandako/status/1748944511097770042

Samantala, wala pang pahayag ang Jollibee management tungkol dito.