Tila lalong lumilinaw ang katotohanang hindi na magkakabalikan pa sina Kapamilya stars Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Sa latest episode ng “Showbiz Now Na” nitong Biyernes, Enero 19, tinalakay ni showbiz columnist Cristy Fermin ang tungkol sa pagbebenta ni Daniel ng kotse kamakailan.

“Ngayon, nagbebenta si Daniel ng mga propiedad. Ibibigay kay Kathryn kung totoong share sila at mayroong pagkakautang, ibabalik niya ‘yon. ‘Yong mga pinuhunan nila ni Kathryn,” saad ni Cristy.

“So, wala na talagang pag-asa. Nagkakabalikan na ng mga naipuhunan,” aniya.

Eleksyon

'Half-human, half-zombie' 'Rastaman', kakandidato bilang senador; pabor sa e-sabong

Sabi naman ng co-host niyang si Romel Chika: “Malala na talaga ‘to. Kasi ang dami nang babaeng lumalabas ang pangalan hindi pa tapos. 

“Naku, nagsalita na nga ‘yong Vietnamese,” wika naman ni Cristy.

Matatandaang sa pamamagitan ng isang mahabang Instagram post ay nilinaw ng isang nagngangalang “Minh Phuo/Phuong” mula sa Vietnam ang nagsabing wala silang relasyon ni Daniel.

MAKI-BALITA: Babaeng Vietnamese nagsalita tungkol sa kanila ni Daniel Padilla

Samantala, tagumpay namang naibenta ang luxury car ng aktor kay Perkz Gaming.

MAKI-BALITA: ‘May nanalo na!’ Sino nagka-interes bumili sa sports car ni Daniel Padilla?

Makalipas ang ilang araw, lumutang din ang bali-balitang binabalak na rin umanong ipagbili ni Daniel ang kaniyang bahay.

MAKI-BALITA: Matapos ibenta ang kotse: Daniel, plano ring isunod ang bahay?