Kung gusto raw kumita at maging certified box-office hit ang isang pelikula, kailangang maisama at mapabilang sa cast nito ang tinaguriang "pambansang bestfriend ng bida" at nagsisilbing lucky charm daw na si Joross Gamboa.

Sa top 3 highest-grossing Filipino movie of all time kasi, kasama si Joross dito na gumanap bilang kaibigan ng isa sa mga bida kagaya ng "The Hows of Us" nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, "Hello, Love, Goodbye" nina Kathryn at Alden Richards, at panghuli nga ay "Rewind" nina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Lahat ng iyan ay nasa ilalim ng produksyon ng Star Cinema.

Si Joross ay kasama rin sa iba pang movies ng Star Cinema na kasama sa mga may matataas na kinita gaya ng tatlong pelikula nina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz (A Very Special Love, You Changed My Life, at It Takes a Man and a Woman) gayundin ang "Starting Over Again" nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga.

National

Magnitude 4.0 na lindol, tumama sa Surigao del Norte

Kaya tiyak daw na sa mga susunod na pelikula, marami pang maghahangad na mapasama si Joross dahil tila siya na nga ang nagsisilbing lucky charm.

Pero ang tanong, kailan naman kaya bibida si Joross sa sariling pelikula niya?