Tinikman ng Kapuso actress na si Jillian Ward ang iniabot na hotdog sandwich ng kaniyang umano'y fan.

Sa TikTok video ni Jillian na ibinahagi niya nitong Sabado, makikitang may hawak na placard ang kaniyang fan kung saan may nakasulat na, “Doc Analyn, tikman mo hotdog ko!”

‘Welding ring:’ Jillian Ward ‘engaged’ na sa taga-Navotas

Agad niyang iniabot ang hotdog sandwich na malugod at masayang tinanggap ng aktres. Matapos nito ay agad namang tinikman ni Jillian ang pagkain.

Samantala, napansin din ng netizens na suot-suot pa rin nito ang “welding ring” na iniabot din sa kaniya ng isang lalaki sa Navotas.

Maki-Balita: ‘Welding ring:’ Jillian Ward ‘engaged’ na sa taga-Navotas