Tila hindi pa rin maganda ang kalagayan ni “It’s Showtime” host Kim Chiu matapos magpositibo sa Covid-19.

Sa Instagram story kasi ni Kim nitong Huwebes, Enero 19, nagbahagi siya ng update tungkol sa sarili na may kalakip na larawan.

“Not what I expected to end my day,” saad ng aktres saka nagpasalamat sa hair at make-up artist na si Haidee Fernandez.

Photo courtesy: Kim Chiu (IG)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Photo courtesy: Kim Chiu (IG)

Ni-repost naman ni Haidee sa kaniyang Instagram ang story ni Kim.

“Kapapahinga mo pa lang pero magpahinga ka ulit daw,” sabi niya.

Samantala, sa latest post ni Kim, nagpaabot ng mensahe ang kaniyang fans na tila nag-aalala sa kalagayan niya. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Get well soon Kimmy!🙏😘 pahinga din pag may time, We love you😍🥰”

“Praying for your healing and peace our Queen! rest ka din minsan. Love na love ka namin.. dito lang kami nka support sayo!🙏🥰”

“Ready to watch na ako.ate Kim get well soon po we love you❤️”

“Get well soon Kim Chiu!🙏🙏I love you always and forever”

“praying for your fastest recovery my one and only QUEEN CHIU🙏💚❤️”

“Hope you’re feeling better our dearest Kimmy🙏”

Matatandaang hindi nakadalo sa face-to-face media conference kamakailan sina Kim at co-star niyang si Paulo Avelino para sa teleserye version ng kanilang hit online streaming series na “Linlang” dahil pareho silang nagpositibo sa Covid-19.

MAKI-BALITA: Destiny? Kim Chiu at Paulo Avelino, parehong may Covid-19