Nasa 10 na ang naiulat na nasawi sa naganap na landslide sa Davao de Oro nitong Huwebes ng hapon.

Ito ang isinapubliko ng Monkayo Municipal government kasunod na rin ng pagkakahukay sa isa pang bangkay nitong Biyernes ng hapon.

Sa social media post ng Monkayo government, dakong 1:31 ng hapon nang matagpuan ang bangkay ni Elvira Saldua, mahigit isang oras matapos mahukay ang nasawing si Agnes Bitoon.

Nauna nang natagpuan ng mga tauhan ng search, rescue, and retrieval operation team ang nasawing si Ritchell Rebuldad nitong Biyernes ng umaga.

National

Umano'y 'white substance' na inabot kay PBBM, isang lapel pin daw sey ng PCO

Matatandaang nagsasagawa ng prayer worship ang mga biktima sa isang bahay sa Purok 19, Pagasa, Barangay Mt. Diwata nang biglang gumuho ang lupa sa nasabing lugar.

Sa pahayag naman ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), binalaan na nila ang mga residente sa Davao region at iba pang lugar sa Mindanao dahil sa inaasahang matinding pag-ulan na dulot ng shear line.

Sa datos ng Office of Civil Defense (OCD), mahigit na sa 270,000 residente ang apektado ng masamang lagay ng panahon sa Mindanao.