Kontrabida raw ang aktres na si Gelli De Belen sa relasyon noon ng kapatid niyang si Janice De Belen at John Estrada.

Sa latest vlog ni Kapamilya broadcast-journalist Karen Davila nitong Huwebes, Enero 18, inusisa si Gelli kung kanino raw siya hindi boto sa mga pumorma noon kay Janice.

“Isa lang naman talaga ‘yong nakitaan ko ng red flag. Kasi wala pa ako sa wisyo noong mga ibang boyfriends niya, e. I was very young. And I was just like ‘O, my God, si Gabby Concepcion nasa bahay namin. Ay, si Aga Muhlach tatay ng pamangkin ko’,” kuwento ni Gelli.

“Noong naging si John, mayroon na akong wisyo. And syempre, it’s a small industry. I would hear things. I would find out and I would tell her ‘Look, this is what’s going on. Baka gusto mong pagtuunan ng pansin’,” aniya.

National

Gatchalian kay Guo: 'See you tomorrow, sana magsabi ka na ng totoo!'

“And nao-offend ka ba no’n?” tanong naman ni Karen kay Janice.

“Syempre, feeling ko kontrabida lang siya,” tugon ni Janice.

Paliwanag niya, hindi pa raw kasi siya handang makinig noong mga panahong ‘yon. Kaya ang resulta, nagkaroon ng silent war sina Janice at Gelli. Hindi sila nagpansinan. At ‘yon daw ang “hardest part” sa relasyon nila bilang magkapatid.

Hanggang sa hiningan daw ni Janice sa Gelli ng pruweba. Kaya talagang humanap daw siya at umabot pa sa puntong pina-private investigator niya si John . Kasi nga naman, sabi ni Gelli, kung siya man ang malagay sa sitwasyon noon ni Janice, sino pa raw ang dadamay sa kaniya kundi kapatid niya rin. 

“You’re family will really look out for you, e; will go the extra mile for you kasi pamilya ‘yan, e. Everybody knew but nobody is talking,” saad ni Gelli.

Pero nang magdesisyon si Janice na makipag-annul kay John, si Gelli daw ang una niyang sinabihan tungkol dito. At ang kapatid pa raw niya ang naiyak. 

Katwiran naman ni Gelli: “Because it was final. Syempre ‘yong separation of a family is no joke; a big deal. It’s not just between the two of them, e. It’s the kids.”

Matatandaang matapos ang siyam na taong pagsasama bilang mag-asawa, nagkahiwalay sina John at Janice noong 2001. Nagkaroon sila ng apat na supling na sina Inah, Moira, Kaila, at Yuan.