Maging ang kilalang benggador na social media personality na si Rendon Labador ay hindi pinalagpas ang dinogshow na larawan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa pag-claim ng babaeng lone better sa napanalunang Lotto 6/42 na na-draw noong Disyembre 28, 2023 mula sa San Jose Del Monte, Bulacan.

Ayon kasi sa Facebook post na makikita sa page ng PCSO, nakuha na ng isang housewife mula sa Bulacan ang tumataginting na ₱43,882,361.60 sa PCSO Main Office na matatagpuan sa Shaw Boulevard, Mandaluyong City.

Ang winning combination na nasaktuhan ng winning bettor ay 18-34-01-11-28-04.

"The lucky winner shared that she placed the bet since the number ‘28’ often represents a car and ‘34’ a house. She disclosed that she plans to invest her winnings in business, buy a new home, and deposit the rest into her two children’s savings accounts," saad sa post.

Eleksyon

Ex-Pres. Duterte, babawiin kandidatura bilang alkalde ng Davao City; tatakbo umanong senador

Sa comment section, bukod sa marami ang napa-sana all at nagpaabot ng pagbati para sa nanalong bettor, marami rin sa mga netizen ang tila may napansin daw sa larawang kalakip ng post.

Narito ang ilan sa mga napansin ng netizens tungkol dito.

"Ang galing ng editor nito ah"

"Ang galing naman mag.photoshop pcso. Congratulations hahahah"

"Bakit parang standee si ateng nag-claim?"

"Muntik pa maging edited."

"Bakit parang may something sa pic?"

"Bakit parang galit yung PCSO officer?"

"Face reveal naman!"

"Sinong PCSO officer po 'yan, congrats!"

MAKI-BALITA: Dinogshow: Nanalong lone bettor ng Lotto 6/42, ‘kahina-hinala’ raw

Samantala, maging si Labador ay napakomento na rin dito. Ibinahagi niya ang screenshot ng ulat ng Manila Bulletin at kinomentuhan. Bukod dito, minention din niya ang Facebook page ng PCSO.

"PCSO niloloko ninyo ang taumbayan!🤦‍♂️ Philippine Charity Sweepstakes Office Mga siraulo kayong lahat na nandiyan!" anang Labador sa caption.

Sa isa namang 43-second video ay muling binanatan ni Labador ang PCSO at kinalampag ang mga senador at kongresista.

"Naglabas ang PCSO ng edited winner ng ₱43 million. Ano 'yan, meron na naman bang yumaman sa PCSO? Bakit n'yo ginagawang tanga ang buong Pilipinas? Nananawagan po ako diyan sa mga senador, sa mga kongresistang walang ginagawa! Sana pakitingnan po ang PCSO dahil mukhang ginagawa na nilang negosyo ang taumbayan! Ginagawa na tayong tanga eh. Saan napunta po, PCSO, ang ₱43 million? Bakit kayo naglalabas ng pekeng picture, edited picture ng winner? Ano ang intensyon ninyo?" banat ni Rendon.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang PCSO kaugnay nito.