Kasado na ang face-to-face oathtaking para sa mga bagong nurse sa bansa, ayon sa Professional Regulation Commission (PRC) nitong Huwebes, Enero 18.

Sa Facebook post ng PRC, inihayag nitong magaganap ang nasabing face-to-face oathtaking sa darating na Sabado, Enero 20, 2024 sa La Union Convention Center, Sevilla, City of San Fernando, La Union.

“All successful examinees who are interested to attend the face-to-face mass oathtaking shall register not later than 12:00 NN of the day prior to the date of the oathtaking at http://online.prc.gov.ph to confirm their attendance,” pahayag ng PRC.

“Further, inductees are required to PRINT the Oath Form with the generated QR code which will be submitted during the oathtaking in order to be tagged as ‘attended’,” dagdag pa nito.

National

Ilang bahagi ng bansa, uulanin dahil sa shear line, easterlies

Inabisuhan din ng komisyon ang mga inductee na kumpirmahin ang kanilang attendance sa mga rehiyon kung saan nila kinuha ang kanilang licensure examination at nais na magparehistro bilang mga propesyunal.

Para naman sa mga hindi makakapunta sa nakatakdang face-to-face mass oathtaking, maaari pa rin silang dumalo sa pamamagitan ng isasagawang online oathtaking o mag-request ng isang special oathtaking. 

Iaanunsyo raw ang schedule ng online oathtaking kapag naisapinal na ito.

“After the oathtaking, inductees shall proceed with their Initial Registration by securing an online appointment at http://online.prc.gov.ph,” saad ng PRC.