Willing daw pala magbigay ng second chance si Kathryn Bernardo.

Iyan ang sagot niya batay sa kumakalat na video clip ng naging panayam niya kay Amy Perez, nang mag-promote siya ng "Hello, Love, Goodbye" noong 2019 kasama si Kapuso Star Alden Richards.

Inupload ang video clip sa Facebook page na "Pilipinas."

Sey ni Kath sa lumang panayam sa kaniya sa ">Umagang Kay Ganda, handa naman daw siyang magbigay ng second chance sa kaniyang partner kung sakali, nang sumabak sila "Hello Love Goodbye Challenge."

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

"Hello ako sa one more chance, because I believe in second chances. Hanggang second, willing akong magbigay ng second chance," sagot ni Kath.

"And goodbye sa new beginnings, parang bigyan ko muna ng second chance, 'pag 'di nag-work, then saka ako mag-move-on."

"Mag-oopen ng door sa new beginnings, gusto ko rin niyan," sansala naman ni Amy.

'Yeah..." sang-ayon naman ni Kathryn. "Para lang walang regrets."

Matatandaang naging usap-usapan ang kumpirmadong hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla noong Nobyembre 30, 2023.

Ilang araw ang nakalipas, umasa ang fans na baka muli silang magkabalikan matapos magsama sa production number sa ABS-CBN Christmas Special 2023.

Pero in a subtle way, sinalag na ito ni Kathryn sa pagsasabing "No looking back, just moving forward."