Binabalak na rin daw ipagbenta ni Kapamilya star Daniel Padilla ang kaniyang bahay ayon sa isang vlogger.

Dahil sa bali-balitang ito, tila lumalabas daw sa publiko na naghihingalo na ang bulsa ni Daniel sa kabila ng mga natamo niyang kasikatan.

Pero sa latest episode ng “Cristy Ferminute” nitong Miyerkules, Enero 17, hindi raw kumbinsido si showbiz columnist Cristy Fermin at ang co-host niyang si Romel Chika sa kuwentong ito.

“Hindi ako naniniwala doon. Wala akong pagsaludo doon sa kuwento,” saad ni Cristy.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

“Ako rin, Nay,” sabi naman ni Romel, “kasi ‘pag nasimulan na talaga ng bentahan siyempre iisipin na nila ‘Ay, isunod natin ‘yong bahay para may balita tayo’. ‘Di ba ganyan ‘yan?”

“Teka muna…sports car nabenta na. Bahay ibinebenta raw. Anong susunod na ibebenta? O, ‘di ba?” natatawang sabi ni Cristy.

Pero mukhang malabo namang mangyari ‘yon pahayag pa ni Cristy. Hindi naman daw siguro ganoon kabilis na malilimas ang lahat ng mga kinita ni Daniel sa showbiz industry sa mahigit isang dekada. Dahil sa tingin niya, nakapag-ipon naman daw ang aktor.

Matatandaang kamakailan lang ay lumapit ang isang seller kay Boss Toyo ng “Pinoy Pawnstars” para ipagbenta sa kaniya ang sports car ni Daniel.

MAKI-BALITA: Milyones na sports car ni Daniel Padilla, ibinebenta kay Boss Toyo

Makalipas ang ilang araw, nabili rin naman ni Perkz Gaming ang luxury car ni Daniel.

MAKI-BALITA: ‘May nanalo na!’ Sino nagka-interes bumili sa sports car ni Daniel Padilla?