Ikinagulat ni Kapuso actress Jillian Ward ang  request ng kaniyang fan habang pumaparada sa Navotas City sa mismong foundation day ng nasabing lungsod.

Sa video kasing ibinahagi ni Jillian nitong Martes, Enero 16, makikitang sakay siya sa isang truck at masaya pang kumakaway sa fans.

Pero nang mahagip ng mata niya ang banner na hawak-hawak nito, nagbago ang timpla ng mukha niya. Nakasulat kasi doon ang request na “Doc Analyn, tuliin mo ulit ako”.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Si Doc Analyn na tinutukoy sa nasabing banner ay ang karakter na ginagampanan ni Jillian sa teleseryeng “Abot Kamay na Pangarap” ng Kapuso Network.

Sey tuloy ng aktres sa caption: “DOGSHOWW”

Dahil dito, hindi napigilan ng mga netizen na magbigay ng kani-kanilang reaksiyon sa naturang video. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“Lapit ka daw sabi ni Doc Analyn 😂”

“lt mga Taga navotas😭”

“NAVOTAS SOLID!!!!!😂😂😂”

“bat ganun sya magulat ang ganda parin.😍”

“HahahHAHAHAHAA sayang punta mo sa nav hindi mo ako nakita”

“thank you jillian nagpunta ka dito sa navotas nakita narin kita sa wakas”

“nagijg doctor ng wala sa oras bigla😭😭😭😭”

“ganda talaga! crush since trudis liit pa lang. parang marian rivera 🫶🏻🥰”

“HAHAAHAHAHAHAHAHAHAHAHA WAG NYONG HINAHAMON SI DOC ANALYN... 😂😂😂”

“Ang cute ng reaction ni @Jillian Ward 🥰😂”

Samantala, bukod dito, nakatanggap din si Jillian ng “marriage proposal” mula sa isang lalaking  taga-Navotas sa ginanap na foundation day ng lungsod.

MAKI-BALITA: ‘Welding ring:’ Jillian Ward ‘engaged’ na sa taga-Navotas