Nakakaloka ang banat na biro ng tinaguriang "Pambansang Lalaking Marites" na si Xian Gaza kay Kapamilya Star Daniel Padilla.

Sa kaniyang Facebook post noong Enero 13, flinex kasi ni Xian ang isang litrato habang nakaharap siya sa mga damit na mahihinuhang naka-display sa isang shop.

Ang brand ng damit ay "DAKS."

"Ang mga damit dito ay bawal isuot ni Daniel Padilla," kuwelang caption sa FB post ni Xian.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

"KOMPIRMD FROM TWO GIRLS," hirit pa ng social media personality na mababasa sa comment section ng sariling post.

"Sabi nila, kapag maliit daw ang paa, maliit din ang aneswah. Paa ko ay maliit para sa 6 footer, US 8.5 lang. That's why hindi ako naniniwala sa mga sabi-sabi na yan," dagdag pa niya.

Ang salitang "Daks" ay balbal na terminong naglalarawan sa size ng ari ng isang lalaki at "juts" o "jutay" naman kapag maliit.

Ang DAKS naman ay isang British luxury fashion house, na itinatag ni Simeon Simpson sa London noong 1894.

Matatandaang kasabay sa isyu ng pagiging "cheater" umano ni Daniel sa kasagsagan ng relasyon nila ng ex-girlfriend na si Kathryn, lumitaw ang iba't ibang intriga at tsika tungkol sa size raw ng pag-aari ng aktor.

Nasangkot pa nga rito ang Kapamilya actress na si Gillian Vicencio subalit kaagad niyang pinalagan ito.