Tampok si Kapamilya sexy actress Ivana Alawi sa latest vlog ni Kapuso star Bea Alonzo noong Linggo, Enero 14.

Bahagi ng nasabing vlog ang “A to Z Challenge” at isa sa mga naitanong kay Ivana ay kung anong klaseng lasing siya kapag nakakainom ng alak.

“Noong teenager life ko, wild. Pero ‘yong wild na umuuwi naman sa bahay. Hindi naman pumupunta sa kung saan-saan,” saad ni Ivana.

“And then now, parang I’m ano na, kept na,” aniya.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Pagkatapos ay ibinalik ni Ivana ang tanong kay Bea: “What kind of drunk are you?”

Natawa muna si Bea bago sumagot. Sey tuloy ni Ivana: “Feeling ko ang bait niya kahit lasing.”

“Ay, hindi! mabilis na tutol ni Bea.

“Hindi ako nang-aaway, ha. Pero loud ako. Saka nagagalit sa akin si Dom kasi next day hindi ko na naaalala,” saad ni Bea.

“Ay, ganyan ako dati. Black out!” sabi naman ni Ivana.

Pero paglilinaw ni Bea, hindi naman daw talaga siya nagba-black out. Sadya hindi lang daw talaga niya naaalala kinabukasan ang mga sinasabi niya noong gabing lasing siya.

In fact, kuwento ni Bea, there was a time nga raw na pumunta silang Bacolod ni John Lloyd Cruz para sa isang show. Bago raw sila pumuta roon, magkaaway silang dalawa. Tapos nagkaroon ng inuman after ng show. Then after nilang mag-inuman, hindi niya alam na nagkabati na raw pala sila.

“The next day hindi ko pa rin siya pinapansin. Tapos in-invite ko ‘yong mga friends namin…may party sa bahay that night dahil gumraduate ‘yong kapatid ko. Siya lang hindi ko in-invite. Tapos nagalit siya. ‘Sabi niya, akala ko okay na tayo kagabi?’” natatawang sabi ni Bea.

Napansin naman bigla ni Bea na parang mas marami pa siyang sine-share kaysa kay Ivana samantalang ito ang guest niya sa vlog. Nagtawanan tuloy ang dalawa.