Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang probinsya ng Ilocos Sur nitong Martes ng tanghali, Enero 16, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 12:14 ng tanghali.

Namataan ang epicenter nito 58 kilometro ang layo sa timog-kanluran ng Santiago, Ilocos Sur, na may lalim na 11 kilometro.

Naitala ang Instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar:

National

Ilang bahagi ng bansa, uulanin dahil sa shear line, easterlies

Intensity II -  City of Vigan, ILOCOS SUR

Intensity I - Candon, ILOCOS SUR

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.